SSS pension hiling itaas
MANILA, Philippines - Milyong miyembro ng Social Security System (SSS) ang makikinabang sa sandaling maitaas ang retirement pension na kanilang matatanggap kapag naihain na at naisabatas ang isang resolution na isinusulong sa Kamara.
Nilalayon ng House bill 4365 nina Bayan Muna party list Reps. Neri Javier Colmenares at Teddy Casino na maitaas ng hanggang P7,000 ang buwanang pension ng mga retiradong miyembro ng SSS upang makasunod ang mga ito sa cost of living sa bansa.
Sa ilalim ng panukala, ang minimun na kada buwan ng pension ay P4,000 at itataas kada taon ng P500 kada buwan hanggang sa umabot sa minimum monthly pension na P7,000.
Ang mga retirado sa ilalim ng RA 1161 o ang lumang SSS law ay mas mahirap dahil ang kanilang buwanang pension ay binabayaran ng mas maliit.
Nais ng naturang panukala na ma-triple pa ang kasalukuyang SSS pension rates hanggang sa wala ng retiree ang makatanggap ng mas mababa sa P7,000 kada buwan.
- Latest
- Trending