^

Bansa

Japan muling niyanig ng 7.1 magnitude na lindol

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Muli na namang niyanig at binugbog ng 7.1 magnitude na lindol ang Japan matapos ang isang buwang pagtama ng 9.0 magnitude na sinundan ng ga-higanteng tsunami noong Marso 11.

Sa rekord ng United States Geological Survey (USGS), ang 7.1 magnitude na lindol ay tumama dakong alas-11:32 kamakalawa ng gabi (oras sa Japan) malapit sa east coast ng Honshu.

Ang lindol ay may lalim na 49 kilometro o 30.4 milya at may sukat na  66 kilometro (41 milya) ng east ng Sendai, Honshu; 114 kilometro (70 miles)  east ng Yagamata, Honshu; 116 km (72 miles) east northeast ng Fukushima, Honshu at 330 km (205) north northeast ng Tokyo. 

Magkakasunod ang aftershocks na inaabot ng Japan, noong Sabado at Linggo ay naitala ang 6 na aftershocks kabilang na ang magkasunod na 7.1 at 6.1 magnitude.

Sa kabila nito, nananatiling naka-alerto ang Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant dahil sa ginagawang pag-kontrol ng radiation leak ng planta.

Naitala na may 27,000 katao ang namatay at nawa­wala sa nagdaang March 11 quake at tsunami sa Japan. 

FUKUSHIMA

FUKUSHIMA DAIICHI NUCLEAR POWER PLANT

HONSHU

LINGGO

MAGKAKASUNOD

MARSO

MULI

NAITALA

SABADO

UNITED STATES GEOLOGICAL SURVEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with