Enrile manunumpa kay Trillanes
MANILA, Philippines - Manunumpa si Senate President Juan Ponce Enrile kay Senator Antonio Trillanes sa sandaling maging impeachment court na ang Senado at ang Senate president ang magiging presiding officer.
Ayon kay Sen. Francis Escudero, napagkasunduan nila sa pinakabatang senador manunumpa si Enrile at saka pa lamang manunumpa ang lahat ng mga senador kay Enrile.
Inaasahan na magko-convene ang Senado bilang impeachment court sa Mayo 9 dakong alas-2 ng hapon.
Sa umaga gagawin ng mga senador ang kanilang sesyon at sa hapon naman pagtutuunan ng pansin ang paglilitis kay Gutierrez.
Kailangan aniyang gawin muna ang panunumpa dahil ibang trabaho ang kanilang gagawin bilang mga jurors at hindi na bilang mga senador.
- Latest
- Trending


















