^

Bansa

Gabriela binatikos PNP sa mga abusadong pulis

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mariing binatikos ni House Assistant Mino­rity Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Sarah Elago ang Philippine National Police (PNP) dahil umano sa pagtrato ng “kid gloves” sa mga kasong kinasasangkutan ng mga pulis na nang-aabuso at nambubugbog ng kanilang mga misis.

Giit ni Elago, hindi ito simpleng away mag-asawa kundi malinaw na kaso ng Violence Against Women and Their Children (VAWC) na nagdudulot ng trauma sa mga anak ng biktima.

Ayon sa kanya, mali ang pag-areglo ng PNP sa mga ganitong kaso lalo na kung ang sangkot ay mismong police officer na inaasahang tagapagpatupad ng batas. “Karahasan ito na hindi dapat palagpasin. Ang paglabag sa karapatan ng kababaihan at mga bata ay hindi dapat inaareglo na parang ordinaryong alitan sa pamilya,” diin ng kongresista.

Binigyang-diin ni Elago na sa ilalim ng Republic Act 9262 o Anti-VAWC Law, ipinagbabawal ang informal settlement o pag-aareglo dahil ang natu­rang paglabag ay krimen laban sa publiko at hindi maaaring ikompromiso.

Babala niya, kung patuloy na ganito ang sistema sa PNP, mawawalan ng loob ang mga biktima na ipursige ang reklamo at lalong lalakas ang kultura ng impunity. “Malinaw sa batas na hindi dapat inaareglo ang VAWC. Kapag karahasan laban sa kababaihan at mga bata ang pinag-uusapan, ang pananagutan ay hindi pribadong usapin ng dalawang tao,” dagdag ni Elago.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with