Kamara ikokonsidera pagtataas ng PNP retirement age sa 60

MANILA, Philippines — Ikokonsidera ng Kamara na itaas sa 60-anyos ang retirement age ng mga pulis mula sa kasalukuyang 56 taong gulang.
Ayon kay Manila 2nd District Rep. Rolando Valeriano, chairman ng House Committee on Public Order and Security, kaya pa umanong magserbisyo publiko ang mga pulis hanggang edad na 60 kung malakas pa, nakakatakbo paakyat ng hagdan, at hindi nadadapa.
Pabor din si Interior Secretary Jonvic Remulla sa panukala, giit niya na ang karaniwang buhay ng mga Pilipino ay mahigit 70-anyos at produktibo pa ang edad na 56.
“I agree in principle with 60 and in fact that was the age we initially considered when House Bill 8702 raising the retirement age to 57 was still pending here in the House, but the thinking of the PNP at that time was 57 already included 3 years of training,” ani Valeriano.
Ang HB 8702 ay inaprubahan ng Kamara noong Mayo 26, 2026 at tinanggap ng Senado noong Mayo 28, ngunit nakabimbin pa rin.
Sinabi ni Valeriano na kung aaprubahan ng Senado ang panukala, maitatakda sa 60-anyos ang retirement age ng mga opisyal at tauhan ng PNP.
Binigyang-diin din ng solon na dapat tiyakin ng DILG at PNP ang istriktong semi-annual na ebalwasyon para masiguro ang kalusugan at kakayahan ng mga pulis ayon sa kanilang edad.
- Latest
























