^

Bansa

Sally nakagawa pa ng sulat bago bitayin

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Nakagawa pa ng sulat si Sally Ordinario-Villanueva bago isinagawa ang pagbitay sa kanya noong Miyerkoles sa China dahil sa kaso ng illegal na droga.

Ipinakita pa ni Ginang Basilisa sa mga mediamen ang sulat ng kanyang anak na si Sally.

Nakasaad sa sulat ang “I’m Sally O. Villa­nueva entrust my two children and my house for them to take care of all of these and giving them my authorization to handle of my children and to live in my house and continue what I started. I want my mother to do all of these for me, they can stay and live in my house and look after my children.”

Nakasulat din ang “Princess, take care I love u” at “Lexberd, take care, I love u” “Aniong (ito yung asawa niyang si Hilarion), take care of our kids, no matter what happen. I love u forever.”

Sa ibaba ang pa­nga­lang “Sally O. Villanueva” na may kulay pulang thumbmark at sa ilalim ng pangalan ay nakasulat ang petsang 2011/3/30.

Ayon naman kay Jason, kapatid ni Sally, marami pa sanang isusulat ang kanyang ate, subalit hindi na ito natapos dahil minamadali na ito ng Chinese authorities.

Ginawa ni Sally ang sulat sa harap nila kasama si Philippine general consul to China Raul Fernandez.

Sa kanilang pag-uusap ni Sally, marami pang sulat ang kanyang ate na nakabinbin sa Chinese authorities.

Hindi pa ito naipadadala sa kanila dahil kailangan pa itong basahin at iinterpret ng Chinese government para malaman kung ano ang nilalaman ng sulat bago ito tuluyang maipadala sa mga kaanak nito sa Pilipinas.

ANIONG

AYON

CHINA RAUL FERNANDEZ

GINANG BASILISA

GINAWA

HILARION

IPINAKITA

SALLY

SALLY O

SALLY ORDINARIO-VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with