Prepaid sa kuryente 'di pa tuloy
MANILA, Philippines - Hindi pa maipapatupad sa Hunyo ang isinusulong na prepaid sa kuryente ng Manila Electric Co. (Meralco) dahil masusi at patuloy pang pinag-aaralan ng kumpanya ang prepaid metering.
Ito ang paglilinaw na ginawa kahapon ni Marvin Gonsalves, Senior Manager ng Metering Service Asset Management ng Meralco, makaraang mapaulat na posibleng maipatupad na sa Hunyo ang prepaid metering.
Ani Gonsalves, wala pang takdang petsa sa pagpapatupad nito at nilinaw din ng Meralco na hindi nila empleyado si Roland Arrogante, na pinagmulan ng impormasyon hinggil sa imlementasyon ng pre-paid metering service sa Hunyo, kundi taga-Xen Energy Systems, Inc (XESI).
Sinabi pa ni Gonsalves na wala pa silang pormal na kasunduan sa XESI hinggil dito.
- Latest
- Trending