^

Bansa

Pagtalakay sa batas sa seguridad ingatan — NTF-ELCAC

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ng mahinahon at makabansang dayalogo hinggil sa ilang panukalang batas sa ika-20 Kongreso na may malalim na implikasyon sa pambansang seguridad at integridad ng demokrasya.

Ayon kay NTF-ELCAC Executive Director Undersecretary Ernesto C. Torres Jr. nangangamba siya sa House Bill 1272 na inihain ng Makabayan bloc na layong ipawalang-bisa ang Anti-Terrorism Act of 2020.

Sinabi ni Torres na walang katotohanan ang pahayag ng mga mambabatas ng Makabayan na  ginagamit umano ang Anti-Terror Law upang patahimikin ang mga kritiko.

Sa katunayan, wala pang sinuman ang nahatulan sa ilalim ng batas dahil lamang sa mapayapang protesta o lehitimong pagtuligsa.

Positibo naman ang pagtanggap ng task force sa panukala ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na amyendahan ang Partylist System Act upang hadlangan ang mga grupong may ugnayan umano sa mga itinalagang teroristang organisasyon.

“Ang partylist system ay nilikha upang maging tinig ng mga laylayan—hindi para pagkublihan ng mga tagasuporta ng armadong rebelyon,” ani Torres.

Binigyang-diin ng NTF-ELCAC na ang tunay na kinatatakutan ng mga pamayanang biktima ng karahasang komunista ay hindi ang Anti-Terror Law, kundi ang kawalan ng malinaw na pagkilala sa pagitan ng lehitimong adbokasiya at organisadong panlilinlang.

COMMUNIST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with