^

Bansa

Teodoro walang paki kahit i-ban ng China

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Teodoro walang paki kahit i-ban ng China
This undated file photo shows Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.
STAR / Mong Pintolo

MANILA, Philippines — Hindi ikinababahala at walang pakialam si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. kung pati siya ay ipa-ban din ng China na pumasok sa kanilang mga teritoryo.

Matatandaang pinatawan ng sanction ng China Foreign Ministry si dating senador Francis Tolentino at pinagbawalang makapasok sa kanilang bansa kabilang ang kanilang mga teritoryo sa Hong Kong at Macao dahil “anti-China“ umano ang mga tirada nito na nakakasira sa relasyon ng China at Pilipinas.

“Wala naman akong pakialam [kung] gawin nila sa akin ‘yon,” pahayag ni Teodoro.

Ayon sa Kalihim, prerogatibo ng anumang bansa, kahit pa walang paliwanag na payagan o pagbawalan ang sinuman na pumasok sa kanilang teritoryo.

Magugunita na tinawag ng Chinese Foreign Ministry na “egregious conduct” ang ginawa ni Tolentino na nagtaguyod sa Senado ng Philippine Maritime Zones Act pero dinedma lamang ito ng dating senador na tinawag namang “badge of honor” ang sanction laban sa kaniya ng China.

SECRETARY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with