^

Bansa

Gamers Coalition, nais itama at gawing responsable ang sugal

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilunsad nitong nakaraang Hulyo 1 ng isang grupo ang ‘social media platform’ nito para sa kampanyang naglalayong ilagay sa tama at gawing responsable, may pananagutan, at tunay sa kapaki-pakinabang ang sugal, hindi lamang sa mga sangkot dito kundi sa buong lipunang Pilipino.

Ang grupo ay tumutugon sa pangalang ‘Gaming Advocates for Meaningful and Ethical Reforms Coalition, Inc. or GAMERS Coalition.’ Kinakatawan nito industriya ng sugal at kinikilala nitong sadyang kailangang mga reporma sa sektor para mapangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawa at mga pamilya nila, pati na ng pamahalaan at lipunan.

Binigyang diin ng GAMERS Coalition, na ang nais nilang mga reporma ay tutugon sa mga usapin o isyu sa saktor na dapat ay “batay sa mga ebidensiya at hindi pipilay sa industriya na nagbibigay ng makabuluhang trabaho sa maraming manggagawa at malaking halaga ng buwis sa pamahalaan para sa mga mamamayan, lalo na sa mahihirap.”

Rehistrado bilang isang ‘non-stock, non-profit organization,’ nangako din ang GAMERS Coalition na pagsasama-samahin nito ang mga ‘operators, regulators, workers, gamers and their families, and the communities’ upang isulong ang kailangang mga reporma at responsableng sugal.

“Nasa panig kami ng responsible, tama at makabayang pagkilos, at nais naming patunayan na ang sugal ay ligtas, nagbibigay lakas, maka-lipunan at kapaki-pakinabang sa bayan,” ayon sa GAMERS Coalition sa isang pahayag.

Idinagdag din nito na pagtutuunan na kanilang kampanya ang “Gaming policy reforms, Addiction, Information and Education, and Corporate Social Responsibility programs.”

Ayon naman kay Jay Carizo, isang ‘policy and governance specialist’ na gumagawa ng mga pag-aaral sa mga panuntunan sa industriya ng sugal, ang "GAMERS Coalition ay isang maganda at positibong kaganapan, at kung ito’s mapapangasiwaan ng mabuti at mabisa, maaari itong maging instrumento tungo sa ‘responsible pro-regulation, pro-community platform that can reclaim gaming as safe, empowering, and socially beneficial."

Lumalago ang sugal bilang isang ‘economic and entertainment’ sektor sa Pilipinas, at  kung hindi ito maagang mare-reporma, magagamit nga ito sa mga gawaing ilegal gaya ng  mga ‘scams’ at pandaraya, ‘money laundering’ at iba pang mga suliraning panlipunan, kasama na ang ‘financial distress, addiction,’ at kawalang tiwala sa pamahalaan.

Ito ang ayaw mangyari ng Gamers Coalition, kaya kumikilos na ito upang tugunan ang mga kahinaan ng industriya ng sugal gaya ng ‘lack of transparency, player protections, low community returns, exploitative and opportunist stakeholders, poor public perception of the gaming industry’ at gawin itong responsible at kapaki-pakinabang na sektor.

Bilyun-bilyung peso na ang industriya ng sugal sa Pilipinas. Noong 2024, umabot sa P410.5 bilyon ang naging ambag na buwis nito sa pondo ng pamahalaan, katumbas ng 1.5% ng ‘Gross Domestic Product (GDP) ng bansa.

Kung hindi matutugunan ang mga mga kahinaan nito, mula na rin sa mga lider ng sektor, malaking tukso ito para abusuhin.

GAMERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with