^

Bansa

US ipinasa sa NATO ang military operations sa Libya

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Pangungunahan na ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) forces ang pagsasagawa ng military operations sa Libya.

Kinumpirma sa international media ni US Secretary of State Hillary Clinton na ipinasa na ng Amerika sa NATO ang paglulunsad ng airstrikes at pagpapatupad ng no fly zone sa Libya kasunod ng basbas o pag-ayon ng may 28 bansang miyembro o alyansa nito.

Nilinaw naman ng US na bagaman hahawakan ng NATO ang pagpapatupad ng no fly zone sa Libya ay mananatili umano ang mga naval at air forces ng US sa Mediterranean na tutulong sa operasyon.

Hinawakan ng US, UK at France ang limang araw na airstrikes sa Libya mula sa US Operation Odyssey Dawn nito at ipinagmalaki na nabuwag at nawasak ng kanilang Tomahawk cruise missiles ang mga military installations, naval at air bases at radar system ng Libya.

Pupuntiryahin naman ng NATO ang ground troops ni Libyan President Moammar Gadhafi.

Bukod sa Arab country na Qatar, nagpadala na rin ng military jets ang United Arab Emirates na susuporta sa NATO.

Kahapon ay sinalakay at pinasok ng mga snipers at tangke ni Gadhafi ang isang ospital sa Misrata na may 200 pasyente at 200 medical staffs. Hindi pa batid sa DFA kung may Pinoy medical workers sa nasabing ospital.

AMERIKA

BUKOD

GADHAFI

HINAWAKAN

KAHAPON

LIBYAN PRESIDENT MOAMMAR GADHAFI

NORTH ATLANTIC TREATY ORGANIZATION

OPERATION ODYSSEY DAWN

SECRETARY OF STATE HILLARY CLINTON

UNITED ARAB EMIRATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with