Phl makikiisa sa Earth Hour
MANILA, Philippines - Bilang pakiisa sa pagresolba ng climate change, hinikayat ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo ang lahat ng local government units (LGUs) sa buong bansa na patayin ang kanilang mga ilaw sa loob lamang ng isang oras sa Sabado bilang suporta sa Earth Hour 2011 simula alas- 8:30 ng gabi.
Ang Earth Hour, na inilunsad sa Australia noong 2007, ay layuning matugunan ang lumalalang problema ng climate change sa pamamagitan lamang ng pagpatay ng ilaw.
Nitong 2010, isang record-breaking na umabot sa 1,076 lungsod at munisipalidad sa buong bansa ang nakiisa sa global community para tulungan ang ating planeta
Sa kanyang direktiba, hinikayat ni Robredo ang provincial governors, city at municipal mayors at punong barangays, na patayin ang hindi nila ginagamit na ilaw, at electrical appliances sa kanilang mga probinsya, siyudad, munisipyo, at barangay halls at iba pang pasilidad ng gobyerno sa loob ng isang oras.
Ngayon taon, sisimulan ang event sa SM Mall of Asia sa Sabado, alas-6 ng gabi.
- Latest
- Trending