^

Bansa

Bitay sa 3 Pinoy sa Marso 30 na!

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Itinakda na ng Peoples Republic of China sa Marso 30, 2011 ang pagpapataw ng parusang bitay sa pamamagitan ng lethal injection sa tatlong Pinoy na nagpuslit ng kilu-kilong cocaine.

Sinabi ni Foreign Affairs Spokesman Ed Malaya na sabay-sabay na isasagawa ang pagbitay kina Ramon Credo, 42; Sally Villanueva, 32 at Elizabeth Batain, 36 sa nasabing araw. Sina Credo at Villanuva ay bibitayin sa Xiamen habang si Batain ay hiwalay na i-execute sa Shenzhen.

Ayon kay Malaya, ipinagbigay-alam na ng Fujian People’s Court at Guangdong High People’s Court sa Philippine Consulate General sa Xiamen at Guanzhou ang takdang araw ng eksekusyon sa tatlo.

Sinabi ng DFA na hindi na aapela pa ang Pilipinas sa China.

Unang itinakda ang pagbitay sa tatlo noong Pebrero 20 at 21 subalit napigil ito matapos pagbigyan ng Chinese government ang apela ng pamahalaan sa pamamagitan ni Vice President Jejomar Binay na nagsadya pa sa China noong Pebrero 18.

Iginiit ng China na bilang “humanitarian consideration” ay hindi itinuloy ang pagbitay subalit pinal na umano ang nasabing hatol at dapat respetuhin ng Pilipinas.

Isinasaayos na ng DFA ang pagbiyahe ng pamilya ng tatlong bibitayin na maaaring tumulak sa Biyernes o Sabado patungong China.

ELIZABETH BATAIN

FOREIGN AFFAIRS SPOKESMAN ED MALAYA

FUJIAN PEOPLE

GUANGDONG HIGH PEOPLE

PEBRERO

PEOPLES REPUBLIC OF CHINA

PHILIPPINE CONSULATE GENERAL

PILIPINAS

RAMON CREDO

SALLY VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with