^

Bansa

Pre-paid sa gasolina isinulong

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Bunsod ng sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa ay isunulong na ng pamunuan ng Sea Oil ang paggamit ng pre-paid gasoline upang makaakit ng mas maraming kli­yente at makatulong sa pagtitipid ng mga motorista.

Ayon kay Rey Jimenez, brand group manager ng Sea Oil, pinasimulan nila ang pre-paid gasoline para kahit papaano ay maibsan umano ang paghihirap ng publiko hinggil sa serye ng oil price hike sa bansa.

Nangangamba ang Sea Oil na sisirit pa ang presyo ng langis sa mga susunod na araw dahil sa patuloy na kaguluhan sa mga oil petroleum countries, partikular sa Middle East at Libya.

Sinabi ni Jimenez, sa loob lamang ng nakalipas na mahigit sa dalawang buwan ay siyam na beses ng nagtaas ang presyo ng langis, P7.10 na ang nadagdag sa gasoline habang P6.00 sa diesel.

Ang pinakahuling pagsirit ng langis ay isinagawa ng “big 3” nitong Martes matapos magtaas ng P.50 sa premium at unleaded habang P.60 sa diesel.

Sa pre-paid card, ani Jimenez ay  nakapako sa P52 per liter ang halaga ng gasolina. Kaya ang card na may markang 20 liters, ang presyo nito ay papatak ng P1,040 ang halaga.

Kahit umano pumalo sa P80 per liter ang pre­s­yo ng produkto, hindi ga­galaw o magbabago ang halagang nakatala sa biniling pre-paid card.

Kung sakali naman ang presyo ng gasolina ay bumaba sa P52 per liter ay iga-gas na lamang umano kung magkano ang presyo ng pre-paid card na binili ng isang motorista.

AYON

BUNSOD

JIMENEZ

KAHIT

KAYA

MIDDLE EAST

NANGANGAMBA

REY JIMENEZ

SEA OIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with