Palasyo dumepensa kay Ochoa sa 'glass mansion'
MANILA, Philippines - Tanggap ng Malakanyang ang paliwanag ni Executive Secretary Paquito N. Ochoa, Jr. na hindi siya ang may-ari ng tinatawag na “glass mansion” sa White Plains, Quezon City at nagpahayag ng pag-asang matatapos na ang kontrobersiya tungkol dito.
Naunang nilinaw ni Ochoa na hindi siya ang may-ari ng mansion kundi ang bayaw niyang si Jerry Acuzar, asawa ng kapatid niyang si Tess at ito’y nabili ng mag-asawa noon pang March 20, 2009. Ito ay sa pamamagitan umano ng kanilang kompanyang Hedgerow Retain Holdings.
Ginamit umano ng mag-asawa ang law office na MOST dahil si Ochoa ay ”partner on leave” ng naturang law firm. Ang kompanyang Hedgerow ay may kinalaman sa real property at “build and sell” ng mga tahanan.
Sinabi ng tagapagsalita ng Pangulo na si Edwin Lacierda na pinatutunayan ng dokumento na hindi si Ochoa ang may-ari ng nasabing ari-arian.
“Batay sa mga dokumento, wala ang pangalan niya bilang may-ari ng nasabing bahay, at hindi siya bahagi ng mga stockholders ng record ng korporasyon. Kaya ang kasulatang nasabi ang magpapatunay nito,” ani Lacierda sa press briefing noong Martes.
- Latest
- Trending