^

Bansa

1,700 OFWs na-trap sa Libya!

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Humihingi na ng saklolo ang may 1,700 Pinoy na nasa construction site sa Benghazi, Libya na naiipit ngayon sa madugong engkuwentro ng mga Libyan protesters at government security troops.

Sa tinanggap na tawag ng Migrante Middle East mula sa mga na-trap na OFWs, hiniling nila na agad silang ilikas matapos ang umiinit na sagupaan. Naubusan na rin sila ng makakain matapos na hindi makalabas sa construction site. Ang naturang OFWs ay pawang nagtatrabaho sa isang airport na under construction sa Benghazi.

Kahapon ay may 84 katao na ang iniulat na nasawi at marami pang protesters ang sugatan sa Benghazi at Tripoli dahil sa walang habas na pagpapakawala ng bala ng security forces sa mga protesters na humihi­ling na matigil na ang 42 taong pamamahala ni Libyan President Moammar Gadhafi.

Naputol na rin ang mga internet connections sa Libya at tanging telepono at cellphone ang gumagana na anumang oras ay inaasahan nilang maka-cut na rin.

May 25,000 OFWs ang nagtatrabaho sa Libya, 16,000 dito ay nur­ses habang ang iba ay propes­yunal at construction wor­kers. 

Samantala sa Yemen, sinabi ni Charge d’ Affaires Ezzedin Tago ng Phl Consulate na nakikipag-ugnayan na sila sa Filipino community upang tiyakin ang kaligtasan ng may 1,400 Pinoy na naiipit din sa karahasan sa Sanaa.

Nagkaroon din ng da­lawang araw na engkuwentro sa pagitan ng anti-govt protesters at government troops sa Yemen sanhi ng pagkasawi ng may 6 katao.

Nagpalabas na rin ng advisory para sa mga Pinoy sa Bahrain na huwag munang lumabas sa mga lansangan at huwag sumama sa mga rally upang hindi madamay sa kaguluhan. May 30,000 Pinoy ang nagtatrabaho sa nasabing bansa.

AFFAIRES EZZEDIN TAGO

BAHRAIN

BENGHAZI

HUMIHINGI

LIBYAN PRESIDENT MOAMMAR GADHAFI

MIGRANTE MIDDLE EAST

PHL CONSULATE

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with