LWUA employees binatikos ang ads ng dating amo
MANILA, Philippines - Hindi ikinatuwa ng mga kawani ng Local and Water Utilities Administration (LWUA) ang mga anila’y “papoging” paid ads ng kanilang dating hepe na si Prudencio Reyes Jr., na nabigong maupo bilang deputy commissioner ng Bureau of Customs.Matapos na matuklasan ng Palasyo na ito ay may nakabinbing kasong graft and corruption sa korte.
Ang mga ads ni Reyes ay lumabas ilang araw matapos na siya ay ilagay sa “on hold status” sa nasabing puwesto bilang BOC Deputy Commissioner for Intelligence Group na masasabing “juicy position”.
Ayon sa ilang empleyadong tumangging magpakilala, nagtataka sila kung saan kumuha ng pambayad sa napakamahal na ads ang mga sinasabing nakapirma sa patalastas na ‘naglilinis’ sa katauhan ni Reyes nang maging administrator ito ng LWUA noong panahon ni dating Pangulong Estrada.
Magugunita na si Reyes ay kinasuhan ng korapsyon ng apat niyang deputy administrators noong aministrador pa siya sa LWUA na may kinalaman sa P600 million Baguio water supply project at kinasuhan din ng harassment at oppression ng apat nitong tauhan matapos niyang ilipat ang mga ito ng ibang opisina.
- Latest
- Trending