^

Bansa

1 pang kuta ng Dominguez brothers ni-raid

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Isa pang hideout ng magkapatid na Raymond at Roger Dominguez ang sinalakay ng mga awtoridad kamakalawa sa Mabalacat, Pampanga.

Ayon kay Mabalacat Chief of Police P/Supt. Rolly Mendoza, dakong alas-4:45 ng hapon ng pasukin ng mga awtoridad ang isang duplex sa Lemens subdivision sa Brgy. Mabiga, Mabalacat sa bisa ng search warrant. 

Kabilang sa mga nasamsam ay dalawang Mitsubishi Montero Sports vehicle na kulay abo at berde na wala ng mga numero ng plaka, isang pulang Hyundai Sta. Fe (NTI-548) at isang Honda VTEC kulay pula na wala ng plate number at chassis number.

Nakuha rin ang 15 motor engine na pawang nakakalas na at sari-saring mga motor vehicles accessories kabilang ang mga gulong ng sasakyan na aabot sa 35 piraso, isang transmission, isang  GS battery at isa pang crocodile jack.

Nitong Biyernes ay anim na sports utility vehicles ang nasamsam sa serye ng raid sa San Fernando City, Angeles City at Mabalacat.

Kabilang sa mga nakumpiska ay isang lumang modelong Silver Kia Sportage na may commemorative plates ng  Department of Justice, isang itim na Mitsubishi Outlan­der (ZLL-649), itim na Ford Everest (NMQ-946), kulay gintong Ford Expedition at berdeng Mitsubishi Pajero. 

Samantala ang KIA Sportage ay nakuha naman sa safehouse sa Mabalacat habang ang Outlander at Ford Everest ay nadiskubre sa auto repair shop sa Brgy. Pulongbulo, Angeles City.

Ang Ford Expedition at Mitsubishi Pajero ay nakuha naman sa inuupahang apartment ng magkapatid na Dominguez sa Greenville Subdivision, Brgy. San Jose, City of San Fernando at ang berdeng Toyota Revo (SGC-388) na may government license plate ay nakuha rin sa lugar.

ANG FORD EXPEDITION

ANGELES CITY

BRGY

CITY OF SAN FERNANDO

DEPARTMENT OF JUSTICE

FORD EVEREST

FORD EXPEDITION

GREENVILLE SUBDIVISION

MABALACAT

MITSUBISHI PAJERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with