^

Bansa

Bagitong pulis dinismis sa nakaw na sasakyan

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines –  Dinismis sa serbisyo ng tanggapan ng Ombudsman ang isang baguhang pulis  ng  Pagudpod, Ilocos Norte dahil sa pagkakaroon nito ng nakaw na sasakyan.

Sa tatlong pahinang desisyon, inutos ng Ombudsman ang pagsibak sa serbisyo kay PO1 Ruel Tamargo ng Bangui Police Station sa Pagudpod, Ilocos Norte bukod sa hindi nito pagtanggap ng benepisyo at hindi na maaring magtrabaho sa alinmang tanggapan ng gobyerno.

Sa record ng PNP Provincial Office ng Ilocos Norte noong Agosto 2006, tumanggap ito ng impormasyon na ang nakaw na sasakyan ay nakitang naka-park sa Brgy. Poblacion 2, Sitio Regta, Pagudpod, Ilocos Norte na ginagamit ni Tamargo.

Sa kanyang depensa, sinabi ni Tamargo na ang sasakyan ay iniwan sa kanya ng kanyang pinsan dahil may utang ito sa kanya. Pero sinasabi ng tanggapan ng Ombudsman na lumabag sa Gross Misconduct ang naturang pulis na ang katapat na parusa ay pagtatanggal dito sa serbisyo.

Inutos din ng Ombudsman ang pagsasampa kay Tamargo ng paglabag sa Anti-Fencing Law (PD 1612) na nagsasaad na ang pag-iingat ng sinuman sa mga nakaw na gamit tulad ng sasakyan ay isang malinaw na ebi­densiya ng paglabag dito.

ANTI-FENCING LAW

BANGUI POLICE STATION

GROSS MISCONDUCT

ILOCOS NORTE

PAGUDPOD

PROVINCIAL OFFICE

RUEL TAMARGO

SITIO REGTA

TAMARGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with