^

Bansa

P-Noy, Senado inalerto sa P4 bilyon NAIA scam

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Hiningi kahapon ng isang grupo ng mga concerned employees at eksperto sa Civil Aviation Administration ang pag-aksyon ni Presidente Noynoy Aquino at ng Senado tungkol sa umano’y namumuong P4 bilyon scam sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.

Ibinunyag kahapon ng grupo na ang kuwestyonableng transaksyon ay tungkol sa modernisasyon ng NAIA na anila’y kailangang busisiin ng Senado bago ito pumutok at magdulot ng eskandalo sa administrasyon.

Ayon sa isang source na ayaw magpabunyag ng pangalan, may kinalaman ito sa isang kontrata sa pagbili ng mga makabagong pasilidad at modernisasyon ng pambansang paliparan na malamang magsadlak sa gobyernong Aquino sa kontrobersya dahil katulad ito ng NBN-ZTE deal sa panahon ni dating Presidente Gloria Macapagal Arroyo noong 2007.

Dalawang foreign contractors umano ang nakakopo sa kontrata na popondohan ng P4 bilyon mula sa isang pautang mula sa bansang Japan. Kaduda-duda umano ang legalidad ng transaksyon na hindi idinadaan sa tamang prose­so gaya ng public bidding. Kasiraan daw ito sa Pa­ngulo na may magandang reputasyon sa sinserong pakikibaka sa katiwalian sa pamahalaan.

“This is a serious issue which may blow up to ZTE-NBN deal proportion if not immediately investigated,” anang source sa isang panayam. Malamang din umano na palihim na ginagapang ang transaksyon nang lihis sa kabatiran ng Pangulo.

Noong 2007, sumabit sa ‘national broadband network’ (NBN) scandal ang rehimeng Arroyo matapos tumestigo sa Senado si ‘whistleblower’ Jun Lozada at sinabing puno ng katiwalian ang naturang proyekto ng DOTC.

Ang NBN ay nagkakahalaga ng $329 milyon na uutangin naman sa bansang Tsina. Ang kontro­bersiya ay patuloy pa ring dinidinig sa Ombudsman.

“’Amoy-anomalya’ ang buong transaksyong ito at makabubuti sa interes ng mga Pilipino kung papasok ang Senado para marepaso ito ng husto at malaman ng lahat kung dapat nga bang gastusan ng P4 bilyon ang proyektong ito,” dagdag pa ng source.

AMOY

AQUINO

AYON

CIVIL AVIATION ADMINISTRATION

JUN LOZADA

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PRESIDENTE GLORIA MACAPAGAL ARROYO

PRESIDENTE NOYNOY AQUINO

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with