Trader umalma sa isyung pananakot
MANILA, Philippines - Itinanggi ng negosyanteng si Allan Fajardo na siya ang nagpapadala ng mga text message ng pananakot sa dalawang negosyante sa bayan ng Cabuyao, Laguna may ilang araw na ang nakalipas.
Sa panayam, sinabi ni Fajardo na legal siyang naghahanapbuhay at friendly competition ang kanyang pinaiiral sa larangan ng pagnenegosyo sa Calamba City, Laguna.
Kasabay nito, kinondena ni Fajardo ang mga gumagamit sa kanyang pangalan para dungisan at siraan ang kanyang imahe at reputasyon.
Magugunita na dalawang negosyante sa bayan ng Cabuyao, Laguna ang dumulog sa pulisya matapos makatanggap ng mga text message na may halong pananakot at pagbabanta na sinasabing nagmula kay Fajardo.
“Isa lang po ito sa mga dahilan kung bakit ako dumulog sa media para mirinig ang aking panig at linisin ang aking pagkatao na sanay’s huwag maniwala sa mga ganitong paninira, hangarin ko lang po ay makatulong sa aking mga kababayan,” pahayag pa ni Fajardo.
Si Fajardo na tubong Tanuaun, Batangas ay nagmula sa mahirap na pamilya kung saan nakilalang tumutulong sa mahihirap na kababayan.
- Latest
- Trending