^

Bansa

Biktima ng ligaw na bala tumataas

-

MANILA, Philippines - Sa kabila ng pagse­selyo sa mga baril ng ka­pulisan sa Metro Manila, umakyat pa rin sa  walo katao ang tinamaan ng ligaw na bala, batay sa naitala ng Department of Health.

Hindi naman matiyak kung saan at sino ang responsable sa pagpapa­putok ng baril na itinutu­ring na “to whom it may concern” o bahala na kung saan tumama.

Bukod sa pag-ak­yat sa 8 kaso ng stray bullet, patuloy pa rin sa paglobo ang mga biktima ng firecrackers simula Disyembre 21-30 ng umaga na may kabuuang 229, kabilang ang 8 nasugatan dahil sa ligaw na bala.

Gayunman, mas ma­baba naman ng 3 por­syento ang kaso ng stray bullet kumpara noong nakalipas na taon. 

Nangunguna pa rin ang National Capital Re­­gion (NCR) sa may pinakamaraming kaso ng firecracker-related injuries.

Lumilitaw na sa kabuuang bilang, nasa 216 (94%) ang nasugatan dahil sa paputok, walo (4%) ang sugatan sa stray-bullets at lima (2%) naman ang fireworks ingestion. Isa pa rin naman ang naitalang patay dahil sa paputok.

Pinakamarami pa ring nasugatan sa hanay ng mga batang nasa edad isa hanggang 10 taong gulang o 88 kaso (41%), at piccolo pa rin ang itinuturong dahilan nang pagkasugat ng mga ito. (Ludy Bermudo/Gemma Garcia)

vuukle comment

BUKOD

DEPARTMENT OF HEALTH

DISYEMBRE

GAYUNMAN

GEMMA GARCIA

ISA

LUDY BERMUDO

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL RE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with