Wala ng bagyo sa kapaskuhan
MANILA, Philippines - Walang tatamang bagyo sa bansa hanggang matapos ang buwan ng Disyembre pero magiging maulan hanggang matapos ang taong ito.
Ayon kay Elvie Enriquez, weather forecaster ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pag-Asa) , ngayong nalalabing mga araw ng buwang kasalukuyan ay wala naman silang nakikitang senyales ng isang weather disturbance na malapit sa area of responsibility ng ating bansa.
Gayunman, sinabi ni Enriquez na magiging maulan hanggang sa matapos ang buwan ng Disyembre dahil sa epekto ng La Niña phenomenon sa bansa na may dalang mga pag uulan.
“Uulan lalo na at may La Niña ngayon. Ang weather system na hindi naghahatid ng ulan ngayon nakakapagdulot na rin ng pag-ulan “pahayag ni Enriquez.
Naging makulimlim ang panahon sa Central at Southern Luzon dahil sa epekto ng tail-end of a cold front habang maulap din ang kalangitan sa Mindanao dahil sa epekto ng intertropical convergence zone pero sa pangkalahatan ay maaliwalas ang panahon lalo na sa Metro Manila. (
- Latest
- Trending