^

Bansa

Sobrang pamumulitika sa LLDA project - Gov. Ejercito

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Sobrang pulitika ang itinuturong dahilan upang hindi na matuloy ang proyektong rehabilitasyon sa Laguna Lake.

Ito ang paniniwala ni Laguna Gov. Jorge “ER” Ejercito matapos ang ginawang pagkansela sa rehabilitation project para sa Laguna Lake. “The cancellation was whimsical.It ap­pears those around the President

were withholding some facts or twisting some facts on the project.

As respected economist Solita Monsod asked: was he misinformed about the project?” wika pa ni Gov. Ejercito.

Reaksiyon ito ni Ejercito sa ginawang pagbasura ng Malakanyang sa Laguna Lake project na iminungkahi ng Belgian firm BDZ at suportado mismo Belgian government.

Naibigay na ang notice of award sa BDZ matapos ang masinsinang pag-aaral at pag-aanalisa ng mga economic at department officials, ngunit pag-upo ng Pangulong Aquino, bigla na lamang itong ibinasura ng Malakanyang.

Si Ejercito,  tumakbo sa ilalim ng tiket ng tiyuhing si dating Pangulong Joseph Estrada, ay naniniwalang ang ginawang pagkansela sa kontrata ay pagpapakita kung paano tinatalikuran ni P-Noy ang naunang pangako na ang kanyang administrasyon ay maglilingkod ng tama at tapat sa pambansang interest.

Sinabi ni Ejercito na simula nang sila’y maluklok, ang mga kapartido ni P-Noy ay mainit na sa P18.7 billion proyekto ng LLDA dredging projects na hindi na ikinukunsidera ang merito at kahalagahan ng proyekto.

EJERCITO

LAGUNA GOV

LAGUNA LAKE

LAGUNA LAKE.

MALAKANYANG

P-NOY

PANGULONG AQUINO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

SI EJERCITO

SOLITA MONSOD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with