^

Bansa

Seguridad sa Greenhills hinigpitan

-

MANILA, Philippines - Walang dapat ipa­ngamba ang mga Chri­stmas shoppers sa Greenhills Shopping Center sa lungsod ng San Juan ngayong kapaskuhan.

Pinatibay pa ng pamunuan ng kilalang pamilihan ang mga safety at security measures para sa inaasahang dagsa ng mga Christmas shoppers.

“Nagdagdag na kami ng mga safety at security measures para na din sa katahimikan ng loob ng mga mamimili sa Greenhills Shopping Center,” paliwanag ni Monch Su­mu­long, Property Manager ng pamilihan.

Sinabi din ni Sumulong na pinalawak nila ang mga nasabing safety and security measures matapos itinaas ng kapulisan ng San Juan ang lebel ng alerto laban sa terorismo sa lungsod.

“Nakikipag-ugnayan kami ng mabuti sa San Juan Police Department at sa lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Guia Gomez para masiguro ang katiwasayan ng Greenhills Shopping Center at ang kaligtasan ng mga mamimili,” dagdag ni Sumulong.

Ilan sa mga joint measures na iniluklok ng pamunuan ng Greenhills at mga otoridad ay ang pag­dagdag ng mga pag-iinspeksyon sa loob ng pamilihan at sa mga parking areas sa paligid, pagdagdag ng foot pat­rols at ng K-9 units.

Para maging mas madali ang pag-shopping, ang pamunuan ng Greenhills ay lalo pang pagbubutihin ang daloy ng trapiko sa loob at sa paligid ng shopping center. Magiging dalawa na din ang valet parking stations dito.

Sinuportahan naman ng mga stakeholders ng shopping center, kasama na ang mga nagtitindang Maranao sa Greenhills, ang mga nasabing pag-aayos.

CHRI

GREENHILLS

GREENHILLS SHOPPING CENTER

MAYOR GUIA GOMEZ

MONCH SU

PROPERTY MANAGER

SAN JUAN

SAN JUAN POLICE DEPARTMENT

SUMULONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with