^

Bansa

Paglikas sa Bulusan sinimulan na

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Umaabot sa kabuuang 205 katao  na naninirahan sa palibot ng Bulusan Volcano sa Casiguran, Sorsogon ang inilikas dahilan sa patuloy nitong pag-aalburuto  na nagbabadya ng pagsabog.

Sa tala, sinabi ni National Disaster Risk Reduction Ma­nagement Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos, 27 pamilya o katumbas ng 170 katao mula sa Barangay Inlagadian ang nanunuluyan sa Escuala Elementary School.

Pitong pamilya o katumbas ng 25 katao mula sa Barangay San Juan ang inilikas naman sa San Juan Elementary School. Anim na bayan na may 70 barangay ang posibleng maapektuhan sakaling tuluyang pumutok ang bulkan. Kabilang dito ang mga bayan ng Juban, Irosin, Casiguran, Gubat, Barcelona at Bulusan.

Nanatili naman ayon sa opisyal sa Alert level 1  ang status sa palibot ng Bulusan volcano at patuloy ring imomonitor ang pagbubuga nito ng mainit na usok mula sa crater.

Nitong Lunes ay mu­ling naitala ang pagbubuga ng ash fall sa summit crater ng Bulusan na nairekord dakong alas- 6:45 ng umaga  kung saan may taas itong 700 metro mula sa bunganga ng bulkan. Samantalang naitala rin ang 28 paglindol ng bulkan sa loob ng 24 oras, ayon pa sa opisyal.

BARANGAY INLAGADIAN

BARANGAY SAN JUAN

BULUSAN

BULUSAN VOLCANO

CASIGURAN

ESCUALA ELEMENTARY SCHOOL

EXECUTIVE DIRECTOR BENITO RAMOS

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION MA

NITONG LUNES

SAN JUAN ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with