^

Bansa

Guingona binatikos sa Laguna lake rehab

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Dagdag balakid la­mang umano ang mung­kahi ni Sen. Teofisto Guin­gona III na isailalim ang Laguna Lake Rehabilitation Project (LLRP) sa isa na namang imbestigasyon.

Kinondena ni Kilusang Lawa Kalikasan (KLK) spokesman Gil Navarro ang pagkaantala ng pag­pa­patupad ng proyekto na ang makikinabang naman ay milyon-milyong tao.

Kamakailan ay nag­hain ng magkahiwalay na liham ang mga mama­mayan ng Laguna at Rizal kina Pangulong Aquino at Haring Albert II ng Belgium upang idulog ang pagpa­patuloy ng P18.7-bilyong proyekto, at sinabing ito ang unang pagkakataong ang pinakamalaking lawa sa bansa ay sasailalim sa seryosong hakbang upang mapanumbalik ang kalidad ng tubig nito at makapag­buo ng “navigable channels” para sa pagbibiyahe ng mga pasahero at kalakal.

Hiniling ni Navarro kay Guingona na isaalang-alang ang mga pahayag ni Laguna Lake Development Authority (LLDA) general manager Rodrigo Cabrera kung saan sinabi nito na ang Baggerwerken Dec­ loedt en Zoon (BDC), ang kumpanyang Belgian na nagsagawa ng masu­sing scientific study sa lawa at nagmungkahi ng rehabilita­syon, ay handang makipag-usap ukol sa ilang pagba­bago sa proyekto.

Binigyang diin niya na ang BDC ay may sapat na teknolohiya at 100 taon ng pagkadalubhasa sa dred­ging, at idinagdag na ang paghukay sa Ilog Pasig ay natapos ng dalawang buwan una sa itinakdang panahon.

BAGGERWERKEN DEC

GIL NAVARRO

HARING ALBERT

ILOG PASIG

KILUSANG LAWA KALIKASAN

LAGUNA LAKE DEVELOPMENT AUTHORITY

LAGUNA LAKE REHABILITATION PROJECT

PANGULONG AQUINO

RODRIGO CABRERA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with