Libreng medical, dental mission ng Pasay Media, dinagsa
MANILA, Philippines - Daang-daang mga mahihirap na residente at senior citizen sa Pasay City ang nabiyayaan ng libreng gamot, konsulta, dental at eye service sa ikalawang medical mission ng Progressive Tri-Media of Southern Metro (PTM-SM) noong Biyernes ng umaga sa Pasay Sports Complex.
Katuwang ng mga mamamahayag sa pagsasagawa ng makabuluhang misyon ang Globe Telecommunication at Department of Health na nagkaloob ng mga gamot, Philippine Air Force (PAF) at Pasay City government na nagbigay naman ng libreng serbisyong medical, dental at eye service.
Ayon kay Ariel Fernandez, pangulo ng PTM-SM, layunin ng naturang medical mission na maging kabahagi ang mga miyembro ng media sa pagkakaloob ng libreng konsulta at gamot na halos hindi na makayang tustusan ng mga mahihirap na may karamdaman sanhi ng napakataas na halaga ng gamot at singil ng mga doctor sa konsulta.
Dinagsa rin ang libreng bunot at pasta ng ngipin ang libreng dental service habang karamihan sa mga nakinabang sa eye service ay pawang mga senior citizen na hindi na makayang gastusan ang pagpapatingin sa malabong mga mata.
Nagkaloob din ng tulong sa naturang medical mission na itinaguyod ng mga miyembro ng media ang Rotary Club ng Pasay, Senators Gringo Honasan at Loren Legarda at mag-amang Pasay city councilor Richard Sr. at Richard Jr. Advincula.
- Latest
- Trending