Bulaklak sa Undas tataas ang presyo
MANILA, Philippines - Bunsod ng pagkawasak ng mga pataniman laluna sa Northern Luzon dulot ng bagyong Juan, tataas ang halaga ng bulaklak sa araw ng mga patay sa Nobyembre 1.
Ayon kay Agriculture Asst. Secretary Salvador Sallacup, asahan ng tataas ang presyo ng bulaklak sa undas dahil sa pagkasira ng mga taniman ng bulaklak partikular sa Benguet na siyang flower center ng bansa.
Kaugnay nito, nanawagan ang opisyal sa mga negosyante ng bulaklak na huwag naman masyadong samantalahin ang presyo o wag namang masyadong itaas ang halaga ng mga bulaklak dahil halos lahat naman ay naapektuhan ng bagyong Juan upang hindi gaanong masaktan sa presyo ng naturang paninda sa Undas.
- Latest
- Trending