^

Bansa

PAGASA pinuri ni P-Noy

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Pinuri kahapon ni Pa­ngulong Noynoy Aquino ang Philippine Atmospheric, Geophysical, Astronomical Services Administration (PAGASA) gayundin ang lahat ng Gabinete nito dahil sa ginawang pagha­handa sa pananalasa ng bagyong Juan kamakalawa.

Sinabi ni Pangulong Aquino, kahit hindi naabot ang zero casualty na target ng gobyerno ang maagang pagbibigay ng impormasyon ng PAGASA gayundin ang mabilis na aksyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Center (MDRRC) ang naging dahilan kaya naging minimal ang casualty sa pananalasa ng pinaka-malakas na bagyo.

Ayon pa sa Pangulo, ang pagbibigay ng hour by hour update ng PAGASA ay malaking tulong upang mabatid ng publiko ang nagiging galaw ng bagyo katuwang na rin ang mabilis na pagtugon ng NDRRMC para abisuhan ang mga mamamayan sa posibleng magiging dulot ni Juan.

Nagpasalamat din ang Pangulo sa mabilis at sama-samang pagtugon ng ibat ibang sector.

ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

AYON

GABINETE

NAGPASALAMAT

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT CENTER

NOYNOY AQUINO

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PHILIPPINE ATMOSPHERIC

PINURI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with