^

Bansa

Kapitan kinasuhan sa Ombudsman

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Ipinagharap ng kasong unjust vexation, grave coercion, grave misconduct at conduct unbecoming of public official ang isang barangay captain sa Office of the Ombudsman dahil umano sa hindi tamang asal nito sa kanyang kabarangay sa Quezon City nitong Marso 2010.

Kinilala ang inireklamo na si Bgy. Captain Lamberto Dong Pascual ng Bgy. San Bartolome, Novaliches, QC.

Sa 8-pahinang reklamo ni Roberto B. Martin, may-asawa, ng 7A Ramirez St., San Bartolome, Marso 17, 2009 dakong 7:15 ng umaga dumating sa kanilang bahay ang kanyang anak na si Ro­naldo na hindi bitbit ang kanilang tricycle.

Tinanong umano nito ang kanyang anak kung nasaan ang kanilang tricycle at sinabi na na-impound sa kanilang barangay at kinuha umano ni Bgy. Captain Pascual na noo’y kagawad pa lamang at dinala sa barangay hall ng Bgy. San Bartolome.

Nang tanungin umano ng complainant ang kanilang kapitan naging bayolente umano ito sa pagsagot at itinulak ang dibdib ng una sa harap ng maraming tao sa naturang barangay sabay sinabihan umano na wala umano siyang karapatang maghanapbuhay.

Nabatid sa ulat na hinuli ang tricycle dahil hindi umano ito rehistrado bilang pampasaherong sasakyan subalit pinapayagan umanong pumasada ang kanyang mga kumpadres at mga kamag-anakan na mamasada na wala din rehistro.

BGY

CAPTAIN LAMBERTO DONG PASCUAL

CAPTAIN PASCUAL

MARSO

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

QUEZON CITY

RAMIREZ ST.

ROBERTO B

SAN BARTOLOME

UMANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with