Barangay, SK polls mas magulo
MANILA, Philippines - Inamin ng Commission on Elections na mas magulo ang halalang pambarangay kumpara sa national elections dahil binabantayan ng bawat kandidato ang galaw ng bawat isa.
Dahil dito, sinabi ni Atty. Michael Dioneda, director ng Comelec National Capital Region, na nakikipag-ugnayan na sila sa iba’t ibang election watchdog group gaya ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) para sa voters education information.
Sa nasabing impormasyon, ipinakakalat ang mga dapat at hindi dapat gawin sa halalan at ang tamang pagpili sa mga kandidato.
Nakikipag-ugnayan din sila sa Philippine National Police para sa mas maigting na police visibility sa mga lugar na itinuturing na areas of concern.
Umaasa pa rin ang PPCRV na magiging mapayapa ang papalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
May 2,300 barangays mula sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), Nueva Ecija at sa Metro Manila ang kabilang sa areas of concern ngayong halalan.
- Latest
- Trending