^

Bansa

HK dismayado sa resulta ng review sa IIRC report

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Dismayado umano ang pamahalaan ng Hong Kong sa ginawang pagpapababa ng ‘sentensya’ o charges sa mga opisyal na responsable sa paglala ng sitwasyon sa Aug. 23 hostage crisis na ikinasawi ng walong HK nationals sa Maynila.

Nabatid na umani umano ng pagbatikos mula sa mga mamamayan ng HK nang ihayag ni Pangulong Aquino ang pinal na report ng IIRC sa publiko kung saan nabago ang mga kasong kriminal na dapat isampa kay Manila Mayor Afredo Lim habang absuwelto sa kasong administratibo ang ilan pang mga opisyal.

Mahihirapan umano ang mga pamilya ng namatay sa hostage na tanggapin ang resulta ng review ng Malacanang sa IIRC report. 

Ayon naman sa Department of Foreign Affairs, nirerespeto nila ang sentimyento ng HK.

Nakatakda namang maglabas ng sariling findings ang HK kaugnay sa hostage.

AYON

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DISMAYADO

HONG KONG

MAHIHIRAPAN

MALACANANG

MANILA MAYOR AFREDO LIM

MAYNILA

NABATID

PANGULONG AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with