^

Bansa

2 lady reporter biktima ng masasamang-loob

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Dalawang reporter ng Senado ang naging biktima ng masasamang loob sa magkakahiwalay na lugar sa Laguna.

Nilooban ang bahay ni Cely Bueno, reporter ng DWIZ sa barangay Balimbing, Nagcarlan, Laguna.

Ayon kay Bueno, bandang alas-6 ng gabi noong Huwebes ng pasukin ng 3 suspek ang kanilang bahay saka itinali ang kanyang ama, dalawang kapatid at kapatid na babae at 3 pamangkin saka nilimas ang kanilang mahahalagang gamit na tinatayang aabot ng P100,000.

Ang ikalawang biktima naman ay si Hannah Torregoza ng Manila Bulletin ng agawan ito ng bag sa loob United San Pedro Subdivision sa barangay San Antonio, San Pedro, Laguna noong Sabado ng hapon.

May dadalawing kaibigan si Torregoza sa nasabing lugar ng biglang sumulpot ang isang motorsiklo sakay ang 2 suspect saka hinablot ang kanyang bag na naglalaman ng cash, cellphones at mga credit cards.

Nasugatan din ang biktima sa braso at binti matapos itong madapa ng hablutin ang kanyang bag.

Hinala ni Torregoza, balak pasukin ang bahay ng kaniyang kaibigan kaya may nag-aabang na sa gate pero nagkataon na dumating siya kaya siya na ang biniktima.

Positibo namang nakilala sa Rouges Gallery ng himpilan ng pulisya sa San Pedro Laguna ang isa sa mga suspek na isang  Dani Dave Mercado alyas Dave “Dablong.

CELY BUENO

DANI DAVE MERCADO

HANNAH TORREGOZA

MANILA BULLETIN

ROUGES GALLERY

SAN ANTONIO

SAN PEDRO

SAN PEDRO LAGUNA

TORREGOZA

UNITED SAN PEDRO SUBDIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with