JPE susubukang malagay sa custody ng senado si Trillanes
MANILA, Philippines - Plano ni Senate President Juan Ponce Enrile na kausapin ang judge na may hawak sa kaso ni Sen. Antonio Trillanes ukol sa custody nito upang magampanan ng nakakulong na mambabatas ang kanyang trabaho sa Senado.
Nilinaw din ni Enrile na ‘impormal’ ang gagawin niyang pakikipag-usap sa hukom na may hawak ng kaso ni Sen. Trillanes at sinisiguro nitong hindi naman niya sasaklawan ang judicial process.
Aniya, kung hindi naman pagbibigyan ng hukom ang kanyang kahilingan ukol sa custody isyu ni Trillanes ay igagalang niya ito.
Nakulong si Trillanes simula pa noong 2003 dahil sa pagkakasangkot sa Oakwood mutiny.
Samantala, kinuwestyon ng Commission on Audit (COA) ang patuloy na pagtanggap ni Sen. Panfilo Lacson ng suweldo at pondo para sa kanyang opisina kaya nagdesisyon ang Senado na ipasa ang opisina nito ayon kay Enrile.
- Latest
- Trending