^

Bansa

Martial Law sa Cotabato

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Dahil sa sunud-sunod na pangingidnap sa mga lokal na negosyante sa Cotabato City, iminungkahi sa pama­halaan ng isang Obispo ng Simbahang Katoliko na isailalim sa Martial Law ang lungsod.

Ayon kay Cotabato Auxiliary Bishop Jose Colin Bagaforo, may tatlong taon na umanong nagaganap ang kidnapping incidents doon kaya’t dapat na itong gawan ng aksiyon ng gobyerno.

Naniniwala ang Obispo na mas makabubuti kung magpapadala ang pamahalaan ng Philippine Marines sa Cotabato at magpapatupad ng Batas Militar upang maibalik ang kaayusan sa lugar.

Ilang negosyante na ang kinidnap sa Cotabato City, at ang pinakahuli ay ang Fil-Chinese businesswoman na si Conchita Tan. Napatay ang mga retiradong Marine soldier na sina Edward Doruelo at Richard Emberga, na security escort at driver ng biktima.

AYON

BATAS MILITAR

CONCHITA TAN

COTABATO AUXILIARY BISHOP JOSE COLIN BAGAFORO

COTABATO CITY

EDWARD DORUELO

MARTIAL LAW

PHILIPPINE MARINES

RICHARD EMBERGA

SIMBAHANG KATOLIKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with