^

Bansa

Birador na mediamen target ng assassination - PNP

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Inalerto ng PNP Task Force USIG ang mga mediamen na maging mapagmatyag dahil target umano ng extra judicial killing at maging ng assassination plot ang mga taga-media na walang takot sa pagbanat.

Ayon kay Chief Supt. Arturo Cacdac, PNP Director for Investigation and Detective Management at hepe ng Task Force USIG na siyang may hurisdiksyon sa mga kaso ng pamamaslang sa mga journalists, handa silang magbigay ng security escort depende sa tindi ng banta sa buhay ng mga kinauukulang mediamen basta’t makipag-ugnayan agad sila sa PNP.

“Predictability has become the greatest enemy of journalists under threat and the best ally of assassins,” ani Cacdac.

Sinabi ni Cacdac na karaniwan ng umaatake ang mga salarin malapit sa tahanan ng biktima o kaya naman ay sa bisinidad ng opisina nito at sa mga lugar na karaniwan ng pinupuntahan ng mga mediamen na binabalak ng mga itong itumba.

Aniya, madalas din umanong tumitira ang mga salarin sa umaga habang papasok sa trabaho o kaya naman ay kapag uuwi na ang kanilang mga target.

Kaugnay nito, nagpa-imprenta na ng inisyal na 2,000 kopya ng Handbook on Personal Security Measures for Media Practitioners ang PNP para ipamahagi sa mediamen partikular na sa may mga banta sa buhay bunga ng uri ng kanilang trabaho.

Ang nasabing handbook ay may 48 pahina na ipamumudmod ng PNP sa mga mediamen sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa.

ANIYA

ARTURO CACDAC

AYON

CACDAC

CHIEF SUPT

INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT

MEDIA PRACTITIONERS

PERSONAL SECURITY MEASURES

TASK FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with