^

Bansa

Ampatuan tatakas?

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nanawagan si Maguin­danao Governor Esmael “Toto” Mangudadatu kay Pangulong Noynoy Aquino at sa Department of Justice (DOJ) na tutukan ang na­ karating sa kanilang ulat na nagpaplanong tumakas ang isa sa miyembro ng pamilya Ampatuan na na­ka­detine sa Metro Manila District Jail sa Taguig City.

Sinabi ni Mangudadatu matapos ang pagdinig sa kasong masaker nitong nakaraang Miyerkules, na patuloy na tumatanggap ng “VIP treatment” ang mga akusado partikular na ang mga miyembro ng pamilya Ampatuan.

Tinukoy nito ang hindi pagkakaposas kay Datu Unsay Andal Ampatuan Jr. nang dalhin ito sa korte ng mga jailguards at maging sa kabuuan ng pagdiig habang ang ibang mga akusado ay nakaposas.

Nararapat umano na rebisahin muli ng DOJ at DILG ang “security protocol” sa mga Ampatuan.

Samantala, kinum­pirma ng ikalawang saksi ng prosekusyon na si No­ra­din Mauya ang pagbuo ng armadong puwersa ng mga Ampatuan sa kani­lang lugar sa Sitio Malan­ting, Brgy. Salman, sa bayan ng Ampatuan ilang araw bago maganap ang masaker noong Nobyem­bre 23, 2009. 

Pinamumu­nuan umano ito ni Datu Kanor Ampatuan, isa sa mga akusado, at sinabihan ang mga resi­dente na kanila­ngan nilang lumikas dahil sa gagawing pagsa­lakay sa convoy nina Ma­ngu­dadatu.

AMPATUAN

DATU KANOR AMPATUAN

DATU UNSAY ANDAL AMPATUAN JR.

DEPARTMENT OF JUSTICE

GOVERNOR ESMAEL

MANGUDADATU

METRO MANILA DISTRICT JAIL

PANGULONG NOYNOY AQUINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with