^

Bansa

Dahil sa trapik, hangin sa Metro Manila gumagrabe

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Isinisi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa matinding daloy ng trapiko sa Metro Manila kung bakit lumulubha ang polusyon sa hangin sa nasabing lugar sa unang tatlong buwan ng 2010.

Ito ay makaraang lumabas sa pag-aaral na ginawa ng DENR sa air quality sa Metro Manila sa unang kuarter ng 2010 na umabot sa 190 micrograms per normal cubic meter ang suspended particles sa hangin na nagpakita ng mahigit sa dobleng taas sa normal amount na 90 micrograms.

“Ang dapat yung sasakyan mo, aandar lamang at mage-emit for 15 minutes. Dahil na-traffic ka, umabot ka ng isang oras. In effect, yung emission mo, multiplied 300 times,” pahayag ni DENR Secretary Ramon Paje.

Tinukoy ni Paje ang mga major thoroughfares sa Metro Manila tulad ng EDSA, Taft Ave. sa Pasay City at España boulevard sa Maynila sa may pinakamataas na suspended particles ng hangin.

Sinabi din ni Paje na ang patuloy na paglubha ng hangin sa Metro Manila ang siyang dahilan kung bakit patuloy din ang pagdami ng mga taong may respiratory diseases tulad ng TB at iba pa.

DAHIL

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

ESPA

ISINISI

METRO MANILA

PAJE

PASAY CITY

SECRETARY RAMON PAJE

TAFT AVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with