^

Bansa

Albay naabot na ang MDGs

-

MANILA, Philippines - Higit na maagang naabot ng Albay ang Millenium Development Goal na itinakda ng United Nations na matupad ng mga bansa sa 2015.

Sinabi ni Albay Gov. Joey Salceda na halos lahat ng target na nakatala sa MDGs ay naabot na ng kanyang probinsya mula sa pagpaunlad ng ekonomiya at edukasyon hanggang sa kalusugan at pangunahing serbisypo sa mga mamamayan.

Sinabi ni Salceda na natupad nila ang mga adhikain ng MDGs sa pamamagitan ng Albay Millenium Development Office na nagpatupad ng mabilis at maayos na serbisyo sa mga taga-Albay.

Pinadagdagan din ni Salceda ang budget sa kalusugan mula P103 milyon noong 2007 hanggang P173 milyon ngayong taon. Umabot na din ang alokasyon sa edukasyon sa P178, bukod pa sa Special Education Fund na ginawang P18 milyon mula P5 milyon.

Ang resulta ng mga program ng MDGs ay higit na malawak na edukasyon, konting pagkamatay ng mga bata at sanggol, at mas mababang kahirapan.

Sinabi ni Salaceda na, sa ngayon, ang Albay ang may pinakamababang poverty rate na 38 porsyento sa buong rehiyon ng Bicol.

ALBAY

ALBAY GOV

ALBAY MILLENIUM DEVELOPMENT OFFICE

BICOL

JOEY SALCEDA

MILLENIUM DEVELOPMENT GOAL

SALCEDA

SINABI

SPECIAL EDUCATION FUND

UNITED NATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with