^

Bansa

Facebook cops kakasuhan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Sasampahan ng kasong administratibo ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga pulis na nag-posing sa hinostage na Hong Thai bus at ipinoste pa sa Facebook ang mga kuha.

Sinabi ni NCRPO Chief P/Director Leocadio San­tiago na natukoy na ang nasabing mga pulis na nagpakuha ng larawan kung saan ginamit pang background ang nasa­bing tourist bus na hinos­tage ni dating Sr. Inspector Rolando Mendoza.

Sinabi ni Santiago na ang naturang mga Face­book cops ay posibleng makasuhan ng paglabag sa Code of Ethics ng PNP na may parusang pagka­kasuspinde at demosyon kapag napatunayang guilty sa kasong admi­nistratibo.

Una ng pinuna at iki­nairita ni PNP Chief Director General Jesus Verzosa ang nasabing pagpapa­kuha ng larawan ng mga pulis kabilang ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) team.

Ang nasabing posing ng mga pulis sa Face­book ay nagpainit pa lalo ng galit ng pama­halaan ng Hong Kong at ng ma­mayan nito sa gobyerno ng Pilipinas at sa PNP.

CHIEF DIRECTOR GENERAL JESUS VERZOSA

CHIEF P

CODE OF ETHICS

DIRECTOR LEOCADIO SAN

HONG KONG

HONG THAI

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with