^

Bansa

Empleyada sinibak dahil sa feng shui

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Pinagbabayad ng Supreme Court ng back wages at iba pang benepisyo ang isang kilalang spa center dahil sa ibinatay lamang nito sa feng shui ang pagsibak sa empleyado nila.

Inatasan ng SC ang Wensha Spa Center sa Quezon City na bayaran si Loreta Yung at ang lahat ng back wages at benepisyo nito na dapat na tinanggap bukod pa ang P95,000 na moral at exemplary damages.

Sa record, pinag-leave ng isang buwan si Yung ng director ng Wensha Spa na si Xu Jie Shie makaraang sabihin umano ng isang Feng Shui master na ang zodiac sign ng empleyadong si Yung ay ‘mismatch’ sa employer na si Xu.

Ipinayo ng Feng Shui master na huwag munang pumasok si Yung sa tanggapan sa loob ng isang buwan o mula August 10-Sept. 10, 2004 upang maitama umano ang jinx o malas na dala ni Yung, habang naka-leave ito.

Pinangakuan naman ito na tuloy pa rin ang kanyang sahod at pinagbilinan pa ito na huwag munang papasok sa ibang trabaho.

Nang bumalik si Yung ay hindi na ito tinanggap at sinabihan na may karapatan din naman ang kumpanya na sibakin ito dahil sa hindi ‘match’ ang aura nito sa work environment ng massage services kayat pilit na rin itong pinagsumite ng resignation letter.

Sinabi ng SC na hindi batayan ang feng shui para patalsikin sa trabaho ang isang empleyado lalo kung mabuti nitong nagagampanan ang kanyang trabaho.

FENG SHUI

INATASAN

IPINAYO

LORETA YUNG

QUEZON CITY

SUPREME COURT

WENSHA SPA

WENSHA SPA CENTER

XU JIE SHIE

YUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with