^

Bansa

Land dispute sa Luisita tapos na

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Natapos din ang problema ng mga magsasaka at may-ari ng Hacienda Luisita Inc. sa Tarlac kahapon matapos ang 21 taong land dispute.

Ito ay makaraang lumagda sa isang kasunduan ang HLI at ang dalawang grupo ng magsasaka, ang Alyansa ng mga Manggagawang Bukid ng Hacienda Luisita (AMBALA) at United Luisita Workers Union (ULWU) na nagsasaad sa kanilang compromise agreement na bibigyan ang mga magsasaka ng dalawang options sa lupain, kung tatanggap ng bahagi ng lupa dito at imamantine sa HLI ang kanilang stocks.

Pumirma sa kasunduan sa AMBALA ay si Noel Mallari at sa ULWU ay ang magsasakang si Ildefonso Pungol.

Nakatala sa compromise agreement na ang 12,000 farmer-beneficiaries ng HLI ay maaaring ituloy ang pagmamay-ari sa kanilang stocks sa kumpanya base sa Stock Distribution Option (SDO) na nilagdaan may 21 taon na ang nakararaan.

Maaari din silang pumili na magkaroon ng share sa isang  designated 1,400 ektaryang bahagi ng lupa sa 6,453 ektaryang pataniman doon.

Nakasaad din na pinapayagan nito ang mga farmer-beneficiaries kung gusto ng land distribution para sa   monetary at non-monetary benefits tulad ng lote ng bahay at production shares na naibigay sa kanila sa ilalim ng SDO agreement.

Bukod dito, ang may 12,000 farmer-beneficiaries ay entitled sa P150 milyong “financial assistance” mula sa HLI sa settlement ng lahat ng claims, P20 milyon ay ibibigay kapag nalagdaan na ang kasunduan at ang nalalabing P130 milyon ay ibibigay sa mga magsasaka oras na ang kasunduan ay naaprubahan ng Korte Suprema.

vuukle comment

ALYANSA

HACIENDA LUISITA

HACIENDA LUISITA INC

ILDEFONSO PUNGOL

KORTE SUPREMA

MANGGAGAWANG BUKID

NOEL MALLARI

STOCK DISTRIBUTION OPTION

UNITED LUISITA WORKERS UNION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with