^

Bansa

Nasasangkot sa krimen, pabata ng pabata

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Ikinabahala ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na pabata ng pabata ang nasasangkot sa iba’t ibang karumal-dumal na krimen sa bansa.

Ayon kay Bishop Joel Baylon, chairman ng CBCP Commission on Youth, dapat na maging hamon sa mga magulang ngayon ang mapalaking maayos ang kanilang anak at maiiwas sa anu­mang uri ng mga bisyo.

Sinabi ni Baylon na ang mga magulang la­mang ang dapat na sisihin sakaling maligaw ng landas ang kanilang mga anak at masangkot sa mga karumal-dumal na krimen tulad na rin ng sinapit nina Jason Ivler at Ivan Padilla.

Giit ni Baylon, dapat na tiyakin ng mga ma­gulang na nasa tabi sila ng kanilang mga anak upang gumabay at luma­king may takot sa Diyos at moralidad. Hindi umano dapat na ipag­katiwala ng mga magu­lang ang kanilang anak kahit pa sa kanilang mga kamag-anak dahil iba pa rin ang aruga ng tunay na magulang.

Kadalasan ding nasa­sangkot sa mga kaso ay ang mga maimpluwen­siyang pamilya dahil busog sa pera ang mga ito.

Matatandaan na no­ong Lunes ay napatay ng Makati Police si Ivan Pa­dilla, ang lider ng Padilla carnapping syndicate sa bansa.

AYON

BAYLON

BISHOP JOEL BAYLON

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

IVAN PA

IVAN PADILLA

JASON IVLER

MAKATI POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with