^

Bansa

Rehab ng mga adik sagot ng PhilHealth

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Good news sa mga adik na gusto ng magba­gong buhay!

Isinusulong na sa Senado ang panukalang batas na naglalayong isama sa coverage ng Phi­lippine Health Insurance Corporation (PHIC) ang pagpapa-rehab ng mga lulong sa droga.

Sa Senate Bill No. 44 na inihain ni Sen. Vicente “Tito” Sotto III, iginiit nito na amiyendahan ang Republic Act No. 7875, ang batas na nagbuo sa PhilHealth upang ma­isama sa coverage ang drug abuse at dependency treatment.

Ayon kay Sotto, isa sa malaking problema ng gobyerno ang dumara­ming bilang ng mga adik pero hindi naman napa­pag­tuunan ng pansin ang rehabilitasyon ng mga drug dependents.

Sa survey noong 2009, umaabot na sa 1.7 milyon ang drug dependents sa bansa at 2,000 lang ang nagpagamot at sumailalim sa rehabi­litasyon.

Isa umano sa mga dahilan kung bakit hindi naipagamot ng kanilang mga kamag-anak ang mga adik ay dahil mahal ang rehabilitasyon.

Ani Sotto, kung ma­isa­sama sa coverage ng Phil­health ang pagpa­pagamot ng mga adik, ma­rami ang ma­tutu­lungan at mahi­hi­kayat na sumailalim sa reha­bili­tasyon.

ANI SOTTO

AYON

HEALTH INSURANCE CORPORATION

ISA

ISINUSULONG

REPUBLIC ACT NO

SA SENATE BILL NO

SHY

SOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with