6 Comelec officials sinuspinde sa ballot secrecy folder
MANILA, Philippines - Sinuspinde ng tanggapan ng Ombudsman ng anim na buwan ang anim na opisyal ng Commission on Elections kaug nay ng kinanselang kontrata tungkol sa ballot secrecy folder.
Sa 10 pahinang kautusan ni Ombudsman Merceditas Gutierez, sinailalim sa 6 month preventive suspension sina Comelec Exec Dir. Jose Tolentino, Atty. Maria Lea Alarkon, chairman ng Bids and Awards Commitee at mga miyembro ng BAC na sina Atty. Allen Fancis Abaya, Atty. Maria Norina, Casingal, Atty. Martin Niedo at Antonio Santella matapos makakita ng sapat na basehan sa mga ito para sila ay suspindihin.
Si Tolentino at limang iba pang opisyal ng BAC ng Comelec ay una ng nasampahan ng kasong paglabag sa code of conduct and ethical standards for public officials and employees, dishonesty, gross neglect of duty, grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of the service.
Mayroon pang hiwalay na kasong katiwalian ang mga ito dahil sa sumingaw na kuwestyunable ang kontrata sa OTC paper supply para sa ballot secrecy folder. (Angie dela Cruz/Doris Franche)
- Latest
- Trending