^

Bansa

Marine officers lalantad na vs 'Hello Garci'

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Ngayong bago na ang administrasyon, handa ng lumutang ang mga Marine officers para ibulgar ang kanilang nalalaman sa Hello Garci scandal o ang malawakang dayaan no­ong 2004 national elec­tions na nagluklok umano kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa kapangyarihan.

Sinabi ni Marine Commandant Major General Juancho Sabban, walang takot na ibubulgar sa bubuuing Truth Commission ni Pangulong Benigno Aquino III upang imbesti­gahan ang umano’y sab­wa­tan ng mga opisyal ng AFP at ng Comelec upang imaniobra ang resulta ng halalan noong 2004.

Nanahimik noon ang nasabing mga Marine officers dahil pinarurusahan umano ang mga nagsa­sabi ng katotohanan.

Ayon kay Sabban, maraming isisiwalat ang mga opisyal ng Philippine Marines pero hindi muna niya ito idedetalye dahil ayaw nitong maunahan ang imbestigasyon ng Truth Commission.

Kabilang sa mga opis­yal na may direktang nala­laman sa umano’y dayaan si dating Marine ret. Brig. Gen. Francisco Gu­dani, dating comman­der ng Task Force Ranao, at ang dati nitong batallion comman­der at ngayo’y Marine Chief of Staff Co. Alex­ander Balutan.

Si Gudani ay sinibak sa puwesto dahil pabor umano ito sa kandidatura ng namayapang si action king Fernando Poe Jr.

Isa pa ang ngayo’y si AFP-National Capital Region Command Rear Admiral Feliciano Angue sa umano’y tinangkang suhu­lan ng P3 M upang tumu­long at huwag maki­alam sa pandaraya noong ito pa ang commander ng Task Force Tawi-Tawi.

Ilan naman sa mga heneral na inaakusahang nakipagsabwatan kay da­ting Comelec Commissioner Virgilio Garcillano upang ipanalo umano si Mrs. Arroyo ay sina dating AFP Chief of Staff ret. Gen. Hermogenes Esperon Jr., dating AFP Southcom Chief ret. Lt. Gen. Gabriel Habacon at dating 1st Infantry Division (ID) ret. Brig. Gen. Eugenio Cedo.  

vuukle comment

CHIEF OF STAFF

COMELEC COMMISSIONER VIRGILIO GARCILLANO

EUGENIO CEDO

FERNANDO POE JR.

FRANCISCO GU

GABRIEL HABACON

HELLO GARCI

SHY

TRUTH COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with