Stradcom hinamon sa interconnectivity fees
MANILA, Philippines - Hinamon ng Private Emission Testing Center Owners Association (PET COA) ang Stradcom Corporation, ang IT provider ng Land Transportation Office (LTO) na sagutin ang mga katanungan hinggil sa legal issues ng interconnectivity fees na sinisingil nito sa taumbayan laluna sa mga motorista na nagiging ugat ng kahirapan ng maraming mamamayan.
“We challenge Stradcom on its next full page advertisement to answer the above issues and not fool the public by claiming that it is a victim of black propaganda. It must be brave enough to provide valid answers to the valid issues we raised” pahayag ni Tony Halili, pangulo ng Petcoa.
Sinabi pa nito na dapat linawing mabuti ng Stradcom Corp. kung ano ang mga legal na basehan nito kung bakit patuloy naniningil ng interconnectivity fee sa taumbayan sa halip na ayusin na lamang ang serbisyo nito sa publiko.
Binigyang diin ni Halili kung bakit gamit ng Stradcom ang database ng LTO sa pagsingil ng interconnectivity fee sa LTO, LTFRB at MMDA gayundin sa insurance at iba pa gayung ang nakokolekta nila dito ay hindi napupunta sa pamahalaan kundi sa kanilang kumpanya lamang.
Ilang sector na ang nagsasabi na ang pagkolekta ng Stradcom sa inter connectivity fees ay walang legal basis.
- Latest
- Trending