Angara bloc may napipisil na sa SP race
MANILA, Philippines - Siniguro kahapon ni Sen. Edgardo Angara na mayroon na silang mabubuong desisyon ng kanyang grupo sa Miyerkoles kung sino ang kanilang susuportahan sa Senate presidency.
“By Wednesday next week, mayroon na kaming consensus kung sino ang susuportahan namin (By Wednesday next week, we will have a consensus on who we will support),” wika pa ni Angara.
Ang grupo ni Angara ay sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senators Loren Legarda, Gregorio Honasan II, Vicente “Tito” Sotto III, Ramon “Bong” Revilla, at Lito Lapid.
Maglalaban naman sa Senate presidency sina Sen. Francis Pangilinan ng Liberal Party at Sen. Manuel Villar Jr. ng Nacionalista Party.
Nagpahiwatig na si Angara na parang ayaw nitong suportahan si Pangilinan dahil nais niyang maging independent ang Senado mula sa Malacañang.
Maging si Sen. Sotto ay nagsabi na rin na hindi niya susuportahan si Pangilinan.
Inamin naman ni Angara na mismong si Villar ang nakipag-usap na sa kanilang grupo subalit wala pa silang consensus kung sino ang kanilang susuportahan.
- Latest
- Trending