Walang label na herbal products, ingatan
MANILA, Philippines - Bunsod na rin ng mga reklamong natatanggap ng Food and Drugs Administration (FDA), agad ding nagpalabas ang ahensiya ng advisory kung saan pinaalalahanan ang publiko hinggil sa paggamit ng mga herbal products na walang label.
Sa babala ng FDA na inilabas noong Hulyo 6, nakasaad na dapat na mag-ingat ang publiko sa paggamit ng mga naturang produkto sa posibilidad na may mas masamang epekto sa kanilang kalusugan.
Nakasaad din sa Advisory 2010-007 na ipinalabas ni FDA director Nazarita Tacandong, marami na silang natatanggap na mga reklamo sa paggamit ng mga herbal products.
Ayon kay Tacandong ang mga walang label na herbal products ay indikasyon lamang na hindi ito nakarehistro sa FDA at walang patunay na mabisa ito sa katawan ng isang tao.
Samantala, sasampahan naman kaso ng FDA ang may-ari ng 11 beauty products na napatunayang nagtataglay ng mataas na level ng mercury.
Ayon kay Tacandong maaaring makasunog ng balat ang matagalang paggamit nito bukod pa sa maka-apekto sa atay ng tao.
- Latest
- Trending